Higit isang taon matapos ang shutdown ng ABS-CBN, muling inihayag ni Angel Locsin ang kanyang loyalty sa broadcast network sa pagsasabing ito ang tamang gawin.

“Stay ako dito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan ‘yong mga kaibigan o kapamilya. Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap ‘di ba?” pahayag ni Angel sa isang interview.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Habang may pinagdadaanan, hindi mo ‘yan iiwan kapag mahalaga sa’yo. Habang may pinagdadaanan ‘yong ABS-CBN, nandito lang ako.”

“It doesn’t mean na nakikita mo akong araw-araw pero I am a Kapamilya pa ‘rin. Nandito lang ako. Okay pa naman ako. Hindi ako mayaman na mayaman. Wala po akong ganoon,” dagdag pa niya.

“Siguro ‘yong years na pinagkatiwalaan ako ng tao kahit paano may ipon ‘din naman. May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko doon.”

“Sa ngayon, pwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsement. Siyempre ikakasal din ako so asikasuhin ko muna ‘yon ‘di ba? May mga bagay muna na siguro na kailangan muna pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako. Nandito lang ako,” said Angel.

Kamakailan lamang ay natapos na ang television program na “Iba Yan,” ni Angel na nagtatampok sa mga ordinaryong tao na may extraordinary na kuwento at may layuning iangat ang lakas ng mga Pilipino.