Tatlong lalaking umano’y miyembro ng isang drug syndicate ang napatay ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Pasig City, nagresulta rin sa pagkakakumpiska sa tinatayang aabot sa ₱27.2 milyong halaga ng shabu nitong Lunes ng madaling araw, Hulyo 12.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay na mga suspek.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay pawang miyembro ngKennetMaclan Drug Syndicate na nag-o-operate sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4A.
Naiuatnng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), NICA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasig City Police Station ng Eastern Police District (EPD), sa Tranix ROTC Road, Brgy. Rosario, malapit sa URC Warehouse, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na operasyon ng mga suspek, dakong 1:00 ng madaling araw.
Sa kasagsagan ng operasyon ay nakahalata umano ang mga suspek na mga pulis ang kanilang ka-transaksiyon kaya nanlaban ang mga ito, gayunman, nakipagbarilan din sa kanila ang mga awtoridad na nagresulta sa kanilang kamatayan.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang humigit-kumulang sa apat na kilo ng shabu, na tinatayang may street value na nasa₱27.2 milyon.
Mary Ann Santiago