Naiturok na ang mahigit sa 13 milyong doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa Pilipinas matapos ang apat na buwan nang simulan ang pagbabakuna ng gobyerno, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Undersecretary Myrna Cabotaje, ang kabuuang 13,196,282 na bakuna ay ginamit sa mga priority individual sa bansa.

Sa naturang bilang, umabot sa 9.6 milyong doses ang naibigay bilang first jabs habang 3.5 milyon naman ang second doses, o itinuturing na fully vaccinated na.

Paliwanag ni Cabotaje, nasa 96% ng may 1.6 milyong health workers sa bansa na nasa A1 priority list ang nakatanggap na ng isang vaccine dose.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Kaugnay nito, nasa 31% naman ng walong milyong target na senior citizens na kabilang sa A2 priority list ang nakatanggap na rin ng isang COVID-19 shot.

Mary Ann Santiago