Nasamsam ng mga awtoridad ang₱9.5 milyong halaga ng Ecstasy nang mabisto ito sa isang package ng laruan ng mga bata sa ikinasang controlled delivery sa dalawang claimant nito sa Quezon City, nitong Lunes.

Sa report ng BOC, natuklasan ang 5,637 tabletas ng Ecstasy sa loob ng foot spa machine na nasa kahon nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Neuss, Germany noong Hunyo 28.

Ang package ay idineklarang naglalaman "mga laruan ng mga bata, sandals, bag, medyas, bota at birthday stock" nang ipadala ito sa Pilipinas.

Naiulat pa na nagawang maaresto ang dalawang tatanggap ng package nang isailalim sila sa controlled delivery ng mga tauhan ngBOC-NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Philpost Office sa Quezon City.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Ariel Fernandez