Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Hulyo 13.

Sa anunsyo ng Caltex, aabot sa ₱1.15  kada litro ang ipapatong sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, P0.65 naman sa presyo ng kerosene; at P0.60 naman sa diesel, pagsapit ng 12:01 ng madaling araw ng Martes.

Dakong 6:00 ng umaga, magpapatupad din ang Seaoil ng kaparehong dagdag-presyo sa kanilang petrolyo.

Kabilang din sa magpapatupad ng taas-presyo ang Total Phils. at PTT Philippines.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Bella Gamotea