Nakapagtala ng 4.7-magnitude na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Sultan Kudarat nitong Linggo, Hulyo 11.

Nasa layong 14 na kilometro timog kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat ang epicenter ng pagyanig na naganap dakong 2:45 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay “moderately strong” nang maramdaman ang Intensity IV sa Kalamansig, Palimbang, at Lebak sa Sultan Kudarat.

Naramdaman naman ang “weak tremor” na Intensity III sa Cotabato City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naitala naman ang Intensity III sa Kiamba, Saranggani; Intensity II sa Zamboanga City; at Intensity I sa Malungon, Sarangani at General Santos City.

Idinagdag pa ng ahensya na tectonic ang sanhi ng lindol.

Walang inaasahang aftershocks o pinsala sa naturang lindol.

Ellalyn de Vera-Ruiz