DHAKA, Bangladesh – Arestado sa kasong murder ang may-ari ng isang pabrika sa Bangladesh kung saan namatay ang 52 katao dahil sa sunog makaraang lumutang na may mga batang nasa edad 11 ang nagtatrabaho doon.

Ayon sa pulisya kabilang si Abul Hashem at apat nitong anak saw along tao na inaresto kaugnay ng naganap na sunog, na sumiklab nitong Huwebes na tumagal nang higit isang araw.

Isang hiwalay na pagsisiyasat ang inilunsad kaugnay sa isyu ng child labor sa pabrika ng pagkain.

Sa pahayag ni Jayedul Alam, police chief ng Narayanganj district kung saan nakatayo ang pabrika, sinabi nitong naka-padlock ang bukana ng pabrika bukod pa sa ibang paglabag na nakita sa lugar ng sunog.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“It was a deliberate murder,” ani police chief sa AFP.

Bago maaresto, sinabi pa ni Hashem sa Daily Star newspaper na ang sunog “may have been a result of workers’ carelessness” at isang itinapong sigarilyo ang maaaring pinagmulan ng sunog.

Narekober ng mga awtoridad ang 48 na katawan sa ikatlong palapag ng Hashem Food and Beverage factory sa Rupganj, isang industrial town sa labas ng Dhaka.

Ayon sa fire department nakakandado ang mga exit door ng pabrika habang nakatambak sa loob ng gusali ang mga highly flammable chemicals at plastics.

Inanunsiyo naman ni Monnujan Sufian, state minister for labour, na sinimulan na ang imbestigasyon hinggil sa pagtanggap ng mga batang manggagawa sa pabrika.

Agence-France-Presse