Galit si Ai-Ai delas Alas sa nagpakalat ng fake news na siya ay pumanaw na, pinost nito sa kanyang Instagram ang fake news, may nakasulat na “fake news” at “huwag kayo mag-subscribe dito.”

May mensahe rin ito sa nasa likod ng fake news na obvious naman hindi tsini-tsek ang kanilang vlog content bago i-upload.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Sa totoo lang mga gago gumagawa nito... na stress ate ko dito at saka iba kong friends sa abroad ano ba napapala nyo sa paggawa ng ganito??? pampadami ng views... (sa ganitong paraan??? Kung ano ano na lang namatay daw ako sa sakit na diabetes... MGA GAGO 5 years na ko walang sugar sa katawan except fruits and coco sugar mga sira ulo mangmang inutil!!! Buti na lang maganda ginamit nilang picture kung hindi mas mababa pa sila sa inutil at mangmang!!! Hinulma sa t*e ang kaisipan!”

May mg nagpayo kay Ai-Ai na idemanda ang mga pasimuno ng fake news dahil hindi lang siya ang nabiktima. Ang dami ng celebrity ang nabibiktima ng mga vlogger at ibinabalitang namamatay.

Nitz Miralles