Napatay ng militar ang isa sa miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na engkuwentro sa Daho, Talipao, Sulu, nitong Biyernes.
Sa report ng militar, hindi pa nakikilala ang napatay na bandido na dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo.
Nilinaw naman niLt. Gen. Corleto Vinluan Jr., Armed Forces Western Mindanao commander, na nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng pamahalaan kaugnay nang namataan kuta ng mga bandido malapit sa kanilang lugar.
Scout Rangers engaged 20 ASG members under sub-leaders Mundi Sawadjaan and Ellam Nasirin in a firefight in Barangay Limping Pigi Daho.
Nang respondehan ng grupo ng Scout Ranger ay bigla umano silang pinaputukan ng mga tauhan ng dalawang sub-leader na sina Mundi Sawadjaan at Ellam Nasirin kaya nagkaroon ng sagupaan.
Tumakas ang mga bandido nang mapatay sa engkuwentro ang isa sa kanilang kasamahan, ayon pa sa militar.
Liza Abubakar-Jocson