Aabot sa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱3,400,000 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang lalaki sa harapan ng isang hotel sa Parañaque City nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang suspek na si Nabel Sarip, 23, taga-Parañaque City.

Sa ulat ng SPD, iang suspek ay inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office III sa pangunguna ni Dir III Bryan Babang, Criminal Investigation Detection Group (CIDG)-Regional Field Office, Baclaran Police Sub-station 1 sa harap ng Raf Mansion Hotel, Roxas Boulevard, Baclaran sa nasabing lungsod, dakong 3:10 ng hapon.

Nasamsam kay Sarip ang ₱3.4 milyong halaga ng illegal drugs at marked money.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Bella Gamotea