Nakapagtala ng 6.0-magnitude na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa baybayin ng Davao Occidental nitong Sabado, Hulyo 10.

Nasa layong 297 kilometro timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental ang epicenter ng pagyanig na naganap dakong 8:43 ng umaga.
Sinundan naman nito ng 5.4-magnitude na lindol dakong 8:51 ng umaga kung saan ang epicenter nito ay nasa layong 304 kilometro timog silangan ng Sarangani.
Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinag-ugatan ng lindol.
Paglilinaw pa ng Phivolcs, hindi lilikha ng tsunami ang pagyanig, gayunman, inaasahan ang aftershocks nito.
Ellalyn De Vera-Ruiz