Pinapayagan ng IATF na patuloy i-require ng mga LGUs ang negative RT-PCR test para sa mga fully vaccinated travellers.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos ilahad ng mga LGUs at health experts ang kanilang alalahanin tungkol sa desisyon ng IATF na vaccination cards na lamang ang ipapakita bilang requirement sa interzonal travel ng fully vaccinated na indibidwal.

“This means that LGUs retain the discretion in requiring RT-PCR testing or accepting duly issued COVID-19 vaccination cards for allowed interzonal travel,”ayon kay Roque nitong Biyernes, Hulyo 9.

“These vaccination cards shall be sufficient proof of vaccination and any individual who shall present forged and/or falsified vaccination cards shall be dealt with in accordance with the law,”dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang sinabi ni Roque noong Huwebes, Hulyo 8, na nagpasya ang IATF na magpulong upang matugunan ang mga alalahanin ng mga LGU at health experts tungkol sa desisyon nito para sa interzonal travel ng mga fully vaccinated.

“This will again be discussed kasi sabi ko nga po, hindi naman pwede baliwalain ang mga posisyon lalong-lalo na ng mga lokal na pamahalaan dahil sila naman po nagpapatupad ng mga IATF resolutions.” aniya.

Dagdag niya, napagdesisyunan ito ng IATF dahil ang mga fully vaccinated na indibidwal ay may maliit na chansang magkaroon ng severe symptoms.

Argyll Cyrus Geducos