Dumating na ang labi ni 1Lt. Sheena Alexandrea Tato sa tahanan nito sa Davao City nitong Biyernes ng umaga sa pamamagitan ng C-295 aircraft ng PAF na sinamahan ng kanyang pamilya.

Military flight nurse si Tato na isa sa mga nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu noong Linggo, Hulyo 4.

Makikita ang mahigpit na pagyakap niretired Colonel Wilfredo Tato, sa larawan ng anak habang naglalakad.

Ayon sa kanya, substitute passenger lamang ang kanyang anak matapos magdesisyon ang isang nurse na hindi ito makakasama.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

"Sinabi naman niya sa akin na, 'Pa, may kasama ako dito na ilalagay sa Jolo may sakit 'yong anak kaya ako na lang ang ipinalit.' Tapos, 'Pa, okay lang at least gusto ko rin dahil doon Pa, makakapag-aral ako through online gamit ang bagong laptop,'" ayon kay retired Colonel Tato sa isang panayam sa 24 Oras.

Tubong Pagadian City si 1Lt. Tato at grumaduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Brokenshire College noong 2011. Noong 2015, sumali siya sa Philippine Air Force at naging miyembro ng Nurse Corps.