Matapos ang higit isang taon na pananatili sa bahay ng mga bata, pinahihintulutan na ngayon ng IATF na lumabas ang mga bata na may edad 5 pataas sa ilalim ng MGCQ at GCQ, maliban sa lugar na may heightened restrictions, pagbabahagi ni presidential spokesman Harry Roque.

Nangangahulugan ito na ang mga bata mula sa 28 mula sa 30 GCQ areas para sa buwan ng Hulyo ay pinapayagan nang lumabas kasama rito ang Metro Manila, Bulacan, at Rizal sa ilalim ng GCQ with some restrictions.

Gayunman, ang mga bata sa Cavite at Laguna ay kailangan pa rin manatili sa kanilang mga tahanan dahil ito ay nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions.

Ayon kay Roque, outdoor areas pa lamang ang puwedeng puntahan ng mga bata kagaya ng:

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  • Playgrounds
  • Beaches
  • Biking and hiking trails
  • Outdoor tourist sites and attractions
  • Outdoor non-contact sports courts and venues
  • Al-fresco dining establishments

Hindi pa puwede ang mga bata sa mixed-use indoor/outdoor buildings katulad ng malls at iba pang katulad na establisyimento.

Ayon din kay Roque, ang mga bata ay dapat may kasamang matanda at sundin ang minimum public health standards, katulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.

Argyll Cyrus Geducos