NUEVA ECIJA - Nakakulong na ang isang inhinyero at ang umano'y lover nito nang mabisto sila ng mister ng huli sa Gapan City ng lalawigan.

Nahaharap ngayon sa kasong concubinage at adultery sina Ramoncito Colonel, 47, taga-Victoria sa Tarlac at Analiza Tiamzon, 42, negosyante at taga-Desamito, Bugallon, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, isinagawa ang pag-aresto matapos magreklamo sa pulisya si Kenneth Tiamzon, 41, kaugnay ng umano'y ipinagbabawal na relasyon ng dalawa

Ayon naman kay Lt. Col. Alexie Desamito, acting City Police chief, nabuking ang umano'y bawal na pag-iibigan ng dalawa nang matunton sila ni Kenneth sa tinitirhan ng mga ito sa Barangay San Nicolas, kamakailan.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Light Nolasco