Sa layuning mapalakas pa ang presensya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS), magtatayoang mga ito ng magiging base station sa Kalayaan Island, Palawan.

Sinimulan nang magkarga ang mga tauhan ng PCG ng construction materials sa BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Malapascua upang maisakatuparan ang nabanggit na proyekto.

Gayunman, hindi naman nagtakda ng araw ang ahensya kung kailan makukumpleto ang nasabing pagtatayo ng base command.

Matatandaang naging agresibo ang PCG sa pagbabantay sa WPS makaraang mapaulat na namataan ang daan-daang barko ng mga dayuhan sa nasabing karagatan.

National

Labag sa human nature? Pag-iwan kay ex-DPWH Usec. Cabral, hindi normal na ginawa ng driver

Beth Camia