Maaari nang makalabas ng bahay ang mga batang mula 5 taong gulang pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Ang nasabing desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing kabilang sa mga outdoor areas na maaaring puntahan ng mga bata ang mga parke, playground, beache, biking and hiking trails, outdoor tourist site and attraction na tutukuyin ng Department of Tourism, outdoor non-contact sports court and venue, at al-fresco dining establishment.
Gayunman, nilinaw ni Roque na ang mga mixed-use indoor/outdoor buildings at mga pasilidad gaya ng malls at kahalintulad na establisimyento ay hindi kasama sa mga outdoor areas para sa mga bata.
Sinabi ni Roque na dapat pa ring bantayan ng mga nakatatanda ang mga bata at sundin ang minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks at social distancing.
Beth Camia