Pormal ng nagdesisyon ang Southeast Asian Games Federation Council na iurong ang pagdaraos ng 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon (2022) dahil na rin sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.
Sa naganap na pulong noong Huwebes, napagbotohang i-postpone ang biennial meet at idaos na lamang ito s 2022 kung saan mananatiling host ang Vietnam.
Gayunman, wala pang napag-usapan ang SEAG Federation Council sa eksaktong petsa kung kailan ito gaganapin sa susunod na taon.
“Vietnam couldn’t decide so we helped them. This is our support to their hosting,” ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.
Marivic Awitan