PORT-AU-PRINCE, Haiti – Hindi bababa sa 28 katao ang nasa likod ng pamamaslang kay Haiti President Jovenel Moise, ayon sa pulisya, kung saan 26 dito ang Colombian habang dalawa ang American.

“We have arrested 15 Colombians and the two Americans of Haitian origin. Three Colombians have been killed while eight others are on the loose,” pahayag ni national police director general Leon Charles sa isang news conference.

Nitong Miyerkules, ibinahagi ng pulisya na apat na suspek ang napatay bagamat hindi na ito nagbigay ng karagdagang detalye.

Nabanggit din ng police director na “weapons and materials used by the assailants have been recovered.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Miyerkules nang lusubin at atakihin si Moise at ang asawa niyong si Martine ng mga armadong kalalakihan sa isang private residence sa kabisera ng Port-au-Prince.

Agad na namatay sa pag-atake ang Pangulo, habang sugatan naman ang kanyang asawa. Dinala ito sa Miami sa pamamagitan ng air ambulance at nasa maayos nang kondisyon sa mga awtoridad.

Sa ngayon, walang nagsisilbing pangulo sa pinakamahirap na bansa sa Americas habang dalawang opisyal ang umaangkin na maging prime minister.

Nangako naman ang pulisya na magpapatuloy ang patugis hangga’t hindi natutunton ang lahat ng salarin.

“We will strengthen our investigation and search techniques to intercept the other eight mercenaries,” ani Charles.

Agence-France-Presse