Dahil sa nagsusulputang mga variant ng virus, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino scientist na mag-isip ng paraan upang makalikha ng bakunang maaaring tawaging sariling atin.

Kasabay nito, inihayag ng Pangulo na kailangang mag-double time ang mga ito para may maipagkaloob na tulong sa mga kababayan ngayong hindi pa rin tapos ang pandemya.

"Hindi naman sa lahat ng panahon ay magiging pala-asa ang Pilipinas sa ibang mga bansa at malaki ang magagawa rito ng mga Filipino scientist," pagdidiin pa ng Pangulo.

Beth Camia

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'