Maaaring mag face-off muli ang half brothers na sina Jinggoy Estrada at Joseph Victor “JV” Ejercito sa pagkasenador sa eleksyon 2022.

Lumitaw ang posibilidad na ito matapos ipahayag ng dalawang anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito-Estrada ang kanilang interes sa pagtakbo bilang senador sa ilalim ng magkaibang partido.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Everyone has the right to run for public office. But it is the prerogative of the people to choose a candidate with integrity, honesty and track record,” ayon kay JV sa kanyang Twitter account.

“In my case, if I decide to run it’ll be because I believe I have a good track record, I never stole public funds and, more importantly, I want to ensure that Universal Health becomes a reality for every Filipino,” aniya.

Sinabi naman ni Jinggoy sa isang panayam, kakandidato siya muli bilang senador sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino na itinatag ng kanyang ama.

“There is a strong possibility that I might run for the Senate again,”ayon kay Jinggoy.

Kinumpirma rin niya ang pakikipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa eleksyon sa susunod na taon.

Gayunman, inaasahan niya na magbibigay daan si JV upang matiyak niya ang boto upang makabalik sa Upper Chamber.

“That is a big factor, of course, mabuti na iisa lang ang Estrada na tumakbo kasi minsan nalilito ‘yung ating mga botante kung sino sa aming dalawa.” ayon kay Jinggoy.

“So siguro, it’s high time that we get to talk to each other,” pangungumbinsi nito kay JV.

Matatandaang pareho silang natalo noong 2019 midterm elections, at sinisisi ni JV ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jinggoy sa kanyang hindi matagumpay na kandidatura.

Inaasahan ni Jinggoy na mag-uusap sila ni JV tungkol sa plano nila para sa eleksyon.

“I’m very willing to talk to him anytime of the day, tawagan niya lang ako," dagdag pa ni Jinggoy .

Vanne Elaine Terrazola