Walang palakasan sa pamamahagi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Ito ang reaksyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Huwebes bilang tugon sa alegasyon ni dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo Rep. Janette Garin na kapag kaibigan at kakilala ng nasabing opisyal ang humihingi ng bakuna ay kaagad itong binibigyan.

Ibinunyag ni Galvez na si Garin ay nanghihingi ng sariling alokasyon ng COVID-19 vaccines para sa kanyang probinsiya. Aniya, hindi ito tama dahil ang mga mambabatas ay wala sa linya o “lineage” sa pamamahagi ng mga bakuna

“Ang gusto kasi ni ex-Secretary Garin, sa kanya namin ibigay ‘yung doses, which is hindi naman tama. Kasi humihingi siya ng allocation, maguguluhan po ‘yung ibang mga LGUs kasi hindi siya nasa lineage ng distribution,” paglalahad nito.

Politics

Matapos ang eleksyon, mensahe ni PBBM: 'Put all the politics aside'

Ipinaliwanag niya na ang mga bakuna ay ipinamamahagi sa mga regional center "for health development, provincial and city health offices" dahil sila ang nagsasagawa ng vaccination drive.

“We want to clarify na hindi favoritism. Ang ano po namin, kapag may tumawag, ang gusto po ng ating President kapag may humihingi ng tulong, bigyan po talaga ng tulong. Lalo na po ‘yung ibang governors at mayors, kaya po tumatawag ‘yan, they are very desperate for vaccines,” giit pa ni Galvez.

Bert de Guzman