Nakaiinsulto at nakasisira.

Ito ang paglalarawan ng 1Sambayan nitong Huwebes sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ika-100 anibersaryo ng ruling party ng China na Communist Party of China (CPC).

Isa si Duterte sa mga world leaders na dumalo at nagtalumpati sa virtual gathering para sa Communist Party ng China at ng World Political Parties Summit nitong Martes, Hulyo 6.

“We have again witnessed President Duterte kowtowing to his masters in China,” ayon sa pahayag ng 1Sambayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Duterte spoke the words ‘trust’ and what is ‘good and just’ in his tribute to the CPC for steering the world superpower into the global stage. We, however, found his statements lacking, insulting and derogatory to every self-respecting Filipino,” dagdag pa nito.

Sa talumpati ng Pangulo, pinuri nito ang China para sa pangarap na pag-unlad at kasaganahanng mamamayan nito.

Sinabi rin ni Duterte na ang Beijing ay magkakaroon ng mahalagang papel sa global affairs para sa dekada pang darating.

Sa kabila ng hidwaan sa West Philippine Sea, sinabi ni Duterte na umaasa pa rin ang Pilipinas sa China bilang kaibigan at kaagapay para kapayapaan.

Ayon sa opposition coalition, isinagawa ang talumpating ito bago ang ika-5 anibersaryo ng landmark ruling mula sa The Hague na nagpawalang bisa sa batayan ng nine-dash line na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

“Duterte can pay homage to the CPC, but as head of state he should have also taken the opportunity to communicate our opposition to China’s encroachment in WPS. He is not only speaking as the titular head of PDP-Laban when he spoke at CPC’s anniversary, but as the leader of a country whose sovereign rights has been violated,”ayon sa 1Sambayan.

Ibinaba ang arbitral ruling noong Hulyo 12, 2016, dalawang linggo matapos umupo si Duterte sa puwesto. Inilarawan ito ng opposition coalition bilang “clear victory” ng Pilipinas.

Raymund Antonio