TARLAC CITY - Nakakulong na ang isang tricycle driver matapos damputing ng mga pulis sa kasong panghihipo sa Barangay Tibag ng lungsod, nitong Martes.

Si Orlando Sevilla, 37, ay hindi na nakapalag sa grupo ni Lt. Gregorio Tacaca, Jr., commander ng Police Community Precinct- 5 matapos arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Rhodalyn Montemayor-Abas ng Municipal Circuit Trial Court sa kasong Acts of Lasciviousness.

Ayon kay Staff Sergeant Victor Dela Cruz, inirekomenda ng hukuman ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Leandro Alborote