Balita palang na may binubuo si Sharon Cuneta na teleserye para sa ABS-CBN at Viva Entertainment, excited na ang fans at supporters ni Megastar. Kung matutuloy ito ang first teleserye ni Sharon sa ABS-CBN, kaya tiyak na special ang project.

May exclusive contract sa ABS-CBN si Sharon at buo pa rin ang tiwala niya sa network. Nasa Amerika pa rin ngayon ang singer-actress, pero dahil sa kinu-conceptualize na teleserye, babalik nasiguro siya ng bansa.

Naalala lang namin na minsang nabanggit ni Sharon na magtatagal pa siya sa Amerika dahil hihintayin pa niya ang pagdating ng anak na si Frankie Pangilinan para ipagpatuloy ang pag-aaral sa New York. So, from Los Angeles, California, lilipad si Sharon pa-New York.

Tsika at Intriga

Walang kuya si Kuya! Sir Geybin inulan ng suporta, dasal, at pagmamahal

Samantala, heto ang ilang reaction ng fans ni Sharon sa nabalitang binubuo nitong teleserye.

“Excited first time ko sya mapapanood sa series,” “Excited pa sa excited!!!” “Yasss sa wakas mapapanood ko rin sya,” “Aabangan ko talaga ito... I love Sharon Cuneta,” “Yehey I’m so excited,” “So excited sa new teleserye ni Mega sa Kapamilya Network, napanood ko halos mga past shows ni Mega from Cute to TSCS, Madam Chairman.”

Nitz Miralles