ILOCOS SUR - Patay ang isang 51-anyos na lalaki nang mapatay ito ng kanyang biyenan na una niyang sinaksak ng gunting sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Tagudin ng nabanggit na lalawigan, nitong Martes.

Binawian ng buhay sa Ilocos Sur District Hospital ang biktimang si Arnold Cabrera, taga-Barangay Pudoc West ng nasabing bayan, sanhi ng saksak sa dibdib, ayon sa pulisya.

Isinugod din sa ospital ang suspek na si Feliciano Acosta, 74, dahil sa saksak sa ulo.

Bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek hanggang sa kumuha ng gunting ang biktima at sinaksak si Acosta.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inagaw naman ni Acosta ang armas at isinaksak ito sa biktima.

"Nauna 'yung mas bata na saksakin ng gunting ang kanyangbiyenan na lalaki, pero gumanti din ng saksak ang matanda," sabi ng imbestigador.

Liezle Basa