ALIAGA, Nueva Ecija - Dead on the spot ang isang magsasaka nang pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang habang patungo sa kanyang bukid sa Barangay Bibiclat, kamakailan.

Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng biktimang kinilala ng pulisya na si Fred Corpuz, 51, taga-nasabing lugar.

Sa report, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at patungo na ito sa bukid upang magtanim ng palay nang biglang sumulpot ang suspek at bigla itong pinagbabaril.

Kaagad na tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito sa pagpatay.

Light Nolasco