Pinuri ng Kapamilya fans si Iza Calzado sa pahayag nito sa pananatili niya sa ABS-CBN at hindi lumipat sa ibang network.
“This is where God has put me. Honestly the past year seeing how the network has really stood firmly. It made me respect the network and everybody in it. There is a pride to be a part of ASIAS and MMK. Plus ito yung sukatan at test sa atin.”
May nag-comment ng “Salute to you Ms. Iza,” “Kapamilya forever” at “Thank you.” Pero, may nag-comment din ng “Paano sya lilipat ng GMA, galing na sya ng gma” at “galing ka din naman sa GMA.”
Samantala, wala pang bagong project sa ABS-CBN si Iza at dahil nasa Kapamilya Network na rin si Sunshine Dizon at kasama na nang mas nauna sa kanila ni Sunshine na lumipat sa Kapamilya si Karylle, may mga request ang Kapamilya fans na pagsamahin silang tatlo sa isang project.

Mas maganda raw kung kunin na rin ng ABS-CBN si Diana Zubiri para kumpleto na ang mga Sanggre sa Kapamilya Network. Hindi lang nila puwedeng i-remake ang “Encantadia”na pinagbidahan ng apat na aktres sa GMA-7 dahil pagmamay-ari ng GMA Network ang nasabing iconic fantaserye.
Still on Iza, nagpahayag ito ng kagustuhang magkaroon na sila ng baby ng asawang si Ben Wintle. Excited na ang fans ng aktres na magka-baby sila ng kanyang husband dahil tiyak daw na magaganda at guwapo ang magiging mga anak ng mag-asawa.