Isinisi sa mababang lebel ng dissolved oxygen at mataas na concentration ng ammonia ang sanhi ng naganap na fish kill sa Taal, Lake, kamakailan.
Ito ang paglilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Region IV matapos mapaulat na angibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng mga isda.
Paglilinaw niBFAR IV Regional Director Sammy Malvas, walang link o kinalaman ito dahil angnaging sanhi ng fish mortality ay ang mababang lebel ng dissolved oxygen at mataas naman na concentration ng ammonia.
“Ang ammonia result ng decomposition ng organic matter. Puwede rin po 'yung ibang nagde-decompose na organic matter sa lawa. Halimbawa po 'yun mga naggo-grow na algae tapos nagda-die off pag nag-decompose po 'yun, nakaka-consume rin po sila ng oxygen,” paliwanag ni Malvas.
Beth Camia