SAN PABLO CITY, Laguna- Inambush at napatay ang isang dating pangulo ng Philippine Councilor's League- Laguna chapter ng hindi nakilalang mga suspek, nitong Martes ng umaga sa Barangay VII-C ng siyudad na ito.

Ayon sa ulat ng Laguna Police Provincial Office ang biktima ay nakilalang si Jeffrey Arban Palce, may-asawa, piloto, at residente ng Bgy. Antipolo, Rizal, Laguna.

Dakong 9:30 ng umaga naglalakad ang biktima kasama si Vicento Visey Isles sa isang sidewalk sa city proper ng lungsod.

Nilapitan umano ng suspek ang biktima na noon ay naka-tambay at biglang binaril ng ilan ulit.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Tinamaan sa kanan bahagi ng dibdib at kanang braso ang biktima na agad ding isinugod sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna subalit idineklarang dead on arrival.

Nakatakas naman ang suspek sakay ng nag-aabang na motorsiklo.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang imbeatigasyon para makilala at matukoy ang motibo ng mga suspek.