Sino kaya itong YouTuber na nanloko kay Donnalyn Bartolome?
Ito ang tanong ng netizens, matapos i-post ng actress-vlogger sa kanyang Facebook account kung paano siya na-scam ng isang milyon matapos pautangin ang isang social media influencer at hindi bayaran.
Hindi pinangalanan ni Donnalyn ang kanyang pinautang pero ibinahagi nito sa social media ang screenshots ng kanilang usapan bilang patunay.
Makikita sa post ang initial na J.L.

Sa post ni Donnalyn:
“Gandang birthday gift saakin. Utang na 1 Million, gone just like that. This guy is not the only one na nakautang saakin but he is using my name to fool people into lending him money kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba? I'm posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko.”
Nagsinungaling din, aniya ang “scammer” sa pagagamitan nito ng pera at ipinagkalat pa sa iba na nakautang siya sa vlogger.
“Kaya sa mga nagmemessage saakin na mutual friends. This is what happened to me. Worse is he lied to me about what he's going to use the money for at pinagkakalat pa niya na nakautang siya saakin. Anong trip mo.
Tigilan niyo kakagamit sa name ko to ask other people for more money.”
As of writing ay hindi pa pinapangalan ni Donnalyn ang pinahiram niya ng isang milyon.
Pero sa isa sa mga photo na ibinahagi niya, binanggit ni Donnalyn na:
“Screen shot sent to me- Pati sa pinakachismoso kong friend sinabi niyo yung ginawa mo. Wtheck. Para saan?? Icocontent mo bako? Gagalitin moko para may macontent ka? Ako pa kakausap sa tao para wag ka ipost timang ka, bakit kung kani kanino mo shineshare? You want drama for the vlog? Subukan mokong content, you’ll see. Look sa inbox mo for the demand letter.”
Paalala pa niya, “To everyone I trusted, whether it’s hundreds of thousands or millions pa yan- the amount you will lose is far worth more than all the money in the world and that is my Trust.”
“Pay up. Everyone who treats me with disrespect MINAMALAS.”
“Don’t lose your friend’s trust.”