AGUILAR,Pangasinan—Dead on arrival sa pagamutan ang isang barangay kagawad makaraan itong tambangan sa kahabaan ng Pangasinan-Tarlac National Highway, Barangay Pogomboa, kamakalawa.
Sa report ng Pangasinan Police, nakilala ang biktimang si Remegio Servanda, 68, incumbent Bgy. Kagawad at residente Bgy. Tampac, Aguilar.
Ganap na 6:00 ng umaga habang minamaneho nito ang Motorstar 155 color red pauwi ng kanilang bahay ay bigla na lamang itong pagbabarilin ng armadong salarin na naka-bonnet sakay ng hindi pa mabatid na uri ng sasakyan.
Ilang residente ang nagmalasakit na tumawag ng rescue upang maisugod sa ospital ang biktima ngunit namatay rin ito.
Inaalam pa kung ano ang motibo ng pamamaril sa biktima at kung sino ang responsible.