Sa best friend niyang si Dani Barretto nalamang umalis ng bansa ang aktres na si Bela Padilla at sa post ni Dani na bukod sa mahigpit na magkayakap habang nasa airport sila at parang inihatid ni Dani si Bela, mukhang magtatagal at baka “for good” na sa ibang bansa si Bela.

Nilinaw ni Dani na hindi magpapakasal si Bela, pero hindi rin sinabi kung saan pupunta si Bela. Sa IG Stories ni Bela, nag-post ito na nasa airport na siya sa Zurich, Switzerland, kung saan naka-based ang boyfriend ni Bela na si Norman Ben Bay. Sa isa pa nitong post, tila namamasyal at nagsa-shopping na siya sa Switzerland.

Naniniwala naman ang iba pang kaibigan ni Bela na hindi “for good” ang pag-alis ni Bela dahil may naiwan itong project at may mga gagawin pa. Ang sabi pa, hindi nagpaalam sa Viva na kanyang home studio si Bela na siya ay aalis, kaya posibleng babalik pa siya ng bansa.

Babalik na lang siguro ng Pilipinas si Bela kapag may tatapusing project, pero ‘yung mga puwedeng gawin online, sa online muna gagawin at tatapusin. Kaya may time si Bela na magbakasyon o makapiling muna ang boyfriend. Maaalalang nakilala ni Bela ang boyfriend sa St. Gallen, Switzerland nang gawin noong 2018 ang pelikula nila Carlo Aquino na “Meet Me in St. Gallen.”

Tsika at Intriga

Gums to gums? Mag-asawa, 'naghigupan' nang live sa Unang Hirit

Nitz Miralles