May natuwa, nabigla at humusga sa paglipat na ginawa ng premyadong aktres na si  Bea Alonzo sa Kapuso Network. Isa itong bagong kabanata sa kanyang showbiz career na tumagal na ng dalawang dekada.

Maayos at emosyonal ang pamamaalam niya sa dating boss na si Carlo Katigbak na hindi ipinagkait ang kanyang blessing at hinangad ang tagumpay na aktres.

Tsika at Intriga

'These are political families' Edu Manzano, nagpatutsada sa insidente ng dayaan umano sa golf tournament

Ang unang proyekto ni Bea sa bago niyang tahanan ay ang tambalan nila ni Alden Richards. Nagkasama ang dalawa sa isang shampoo commercial na kinunan sa Bangkok noong Enero 2020 at lumutang agad ang chemistry na dalawa. Ang pelikulang gagawin nila ay ang Pinoy adaptation ng "Pure Soul."

May mensahe naman si Bea sa mga hindi pabor sa kanyang paglipat, sana araw ay tanggapin at igalang ang desisyon niya at patuloy siyang suportahan.