ROME, Italy – Nagpapagaling na si Pope Francis, 84, sa ospital matapos sumailalim sa operasyon dahil sa inflamed large colon, isang “potentially painful condition” na maaaring makaapekto ng malaki sa kanyang kalusugan.

Dinala ang Papa sa Gemelli hospital sa Rome nitong Linggo para sa isang scheduled operation under general anaesthetic para sa symptomatic diverticular stenosis ng colon.

Kalaunan inanunsiyo ni Vatican spokesman Matteo Bruni na “he reacted well to the surgery”.

Una rito, sa gabi ng kapistahan ng Saints Peter and Paul, nagpahaging ang Santo Papa sa kanyang pagsailalim sa operasyon: “I ask you to pray for the pope, pray in a special way. The pope needs your prayers”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inaasahan namang mananatili si Pope Francis sa ospital sa loob ng limang araw, ayon sa Italian news agency ANSA.

Hindi naman kinumpirma ng Vatican kung gaano katagal mamamalagi doon ang Papa.

Agence-France-Presse