Dumulog sa NBI ang aktres na si Kris Bernal para ireklamo ang babaeng ginagamit ang pangalang Jen Jen Manalo para sirain ang aktres sa pamamagitan ng pag-order ng pagkain na umabot ng 23 food deliveries nitong weekend.

Naawa si Kris sa mga rider at sabi nito, “They want to get booking as much as they can, gusto nila mag-book sila nang mag-book tapos magkakaroon pa sila ng problema, ipo-process pa nila.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Lahat naman gusto at the end of the day ay marami silang makuhang bookings dahil diyan sila kumikita at ang liliit lang ng kita ng mga Grab drivers so gusto ko sila bigyang justice.”

Ayon pa kay Kris, kaya siya dumulog sa NBI dahil hindi lang siya ang biktima, pati Grab drivers and her mom.

“Okay lang na naabala ako pero ‘yung mom ko kasi naabala rin at siya ‘yung kumakausap do’n sa Grab drivers kasi she wanted to protect me also. And my mom is already a senior so ayoko na lumalabas siya pero naabala siya.

“So, this is actually not just for me but for my mother and also doon sa mga riders na kahit saang delivery service na na-scam at naloloko,” dagdag ni Kris.

Kilala ni Kris ang babaing gumamit sa kanyang pangalan at mukhang malaki ang galit nito sa kanya dahil sabi ni Kris, niloko na rin siya nito minsan. Aba’y dapat nga

siyang ireklamo at ipakulong kung kinakailangan para hindi na ulitin kay Kris at sa iba ang ginagawang panloloko.

Naglabas naman ng statement ang Grab na sinabing ang kompanya ay may “zero-tolerance police” sa mga ganitong “fraudulent activities.”

“It has been brought to our attention that someone has recently used our platform to place multiple orders- causing undue stress to Ms Kris Bernal and our driver-partners.

“We have immediately conducted our investigation and we have blocked the mobile phone IMEI of the fraudster to avoid similar incidents from happening in the future.”

Ang maganda pang ginawa ng Grab, isinauli nito sa riders ang kanilang mga pera na kanilang nagastos. Sa isang rider kasi, umabot sa P2,000 ang nagastos sa sariling pera na ipinambili na food na hindi naman in-order ni Kris.

Nitz Miralles