Nagbabala ang Malacañang nitong Martes, Hulyo 6, sa mga Pilipinong mamemeke ng kanilang vaccination card para sa interzonal travel, na maaari silang makulong kung mahuling namemeke ng dokumento.

“Well, unang una, nagbibigay po ako ng babala dun sa mga mamemeke. Iyan po’y isang public document so kapag kayo nameke ng vaccination card, that’s falsification of a public document medyo mataas po ang kulong diyan.” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Huwag naman po kau magpakaloboso pero we have heard concerns expressed by the LGUs pagdating po dito,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sinabi ng IATF na hindi na kailangan ng RT-PCR test sa mga fully vaccinated na, maaari na lamang ipakita ang vaccination card bilang patunay.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras