Pinaalalahanan ng World Health Organization (WHO) ang Department of Health (DOH) na maging maingat sa kanilang mga mensahe sa mga mamamayan, kasunod na rin ng anunsyo nito na ang Pilipinas ay “low risk” area na sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na nagpapatuloy pa rin ang pandemya at nananatili pa rin ang banta ng hawaan ng virus.

Ayon kay Abeyasinghe, ang maling mensahe ay maaaring maging dahilan upang magpabaya ang mga tao at hindi na tumalima sa pinaiiral na health protocols.

“I think we need to be more cautious. It is not costly to err on the side of caution. We need to be consistent in our messaging, the public needs to be aware that the risk remains, they need to follow the protocols, they need to follow the minimum public health standards,” ani Abeyasinghe, sa panayam sa telebisyon.

Metro

Lalaking bugbog-sarado matapos gahasain ang 4-anyos na bata, arestado!

“Giving them wrong messaging could result in lower compliance [in] minimum public health standards with mask-wearing, with the physical distancing, with the hygiene. So we have to be careful here,” aniya pa.

Giit niya, may mga implikasyon ang pagklasipika sa alinmang bansa bilang “low-risk” kaya’t dapat aniya itong ipaliwanag na mabuti.

Aniya pa, ang Pilipinas ay hindi pa maaaring sabihin na “low-risk” sa mga future COVID-19 cases dahil sa mga natutukoy na mutations ng COVID-19.

“If you’re looking at it from the perspective of are we at low-risk of future COVID cases? No, we are not at low-risk of future cases. This is a pandemic, we are dealing with a very delicate situation where we are seeing for the first time, probably the most transmissible strain of the virus, that has mutated,” aniya, na ang tinutukoy ay ang Delta COVID-19 variant.

Kaugnay nito, kinilala rin ni Abeyasinghe ang magandang progreso ng vaccination program ng bansa, partikular na sa National Capital Region (NCR).

Gayunman, binigyang-diin niya na ang coverage ng vaccine rollout ay malayo pa sa sitwasyon kung kailan maaari nang masabi ng mga eksperto na malabo nang may maganap na major surge ng mga sakit.

Dahil dito, patuloy pa rin aniya nilang hinihikayat ang pamahalaan na gamitin ng tama ang mga bakuna at ang unahin ay yaong mga taong pinaka-vulnerable sa virus.

Pinuri rin naman niya ang Pilipinas sa pagpapatupad ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang bansa at maiwasan ang community transmission ng Delta variant.

Matatandaang una nang inanunsyo ng DOH na nasa low-risk classification na ang COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng negative growth rate at mababang average daily attack rate (ADAR). 

Mary Ann Santiago