BANGKOK, Thailand – Isang malakas na pagsabog malapit sa Bangkok international airport nitong Lunes ang kumitil ng isang bumbero at sumugat ng 29 pa, ayon sa mga opisyal.

Makikita ang makapal na itim na usok na nagmumula sa nasunog na pabrika nasa 35 kilometro (21 miles) ang layo sa kabisera, habang patuloy ang pagbuhos ng mga helicopter ng fire suppression foam sa lugar.

Naganap ang pagsabog sa dakong 3:00 ng umaga sa Taiwan-based Ming Dih Chemical

Co., na matatagpuan sa dulong bahagi ng Bangkok malapit sa Suvarnabhumi airport.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Dahil sa pagsabog halos 500 residente sa lugar ang inilikas sa dalawang shelters.

Ipinag-utos sa publiko ang pag-iwas 500 metro palayo sa blast site, ayon kay Lieutenant General Ampon Buarubporn.

“We do not know if there is anything left to explode,” aniya, habang patuloy pang inaalam ng awtoridad ang dahilan ng pagsabog.

Agence-France-Presse