Marahil maraming nagulat sa military plane crash nitong Linggo, Hulyo 4, 2021.

Sa gitna ng pangyayari ito, may nagsasabing nahulaan ng isang Psychic Reader at Dream translator, na si Rudy Baldwin, ang pagsabog ng military plane na C-130H Hercules.

Ayon sa Facebook post ni Rudy Baldwin noong June 3, 2021. Mayroong mangyayaring aksidente sa himpapawid. Ito na kaya ang tinutukoy sa prediksyon ni Rudy Baldwin?

Human-Interest

'It's so bad!' Hanging may dalang bacteria, darating sa 2025 sey ni Rudy Baldwin

Plane crash noong Linggo

Sa kanyang interview sa Rated Korina, sinabi niyang may mangyayaring trahedya sa himpapawid sa Pilipinas.

“Ah may nakita ako sa vision ko na magkakaroon ng plane crash hindi lang din eroplano pati na rin ang helicopter, hindi lang sa Pilipinas magkaroon ng plane crash pati sa Brazil, Argentina, Hawaii.” aniya.

Narito ang tatlo sa mga nahulaan ni Rudy Baldwin na ‘di umano’y nagkatotoo.

1. Lindol sa Surigao del Norte at Surigao del Sur. Ayon sa Facebook post ni Baldwin noong Hunyo 1, 2021, magkakaroon ng paglindol sa naturang lugar.

Nangyari ang lindol sa Surigao del Norte noong Hunyo 6 st Hunyo 8, samantala ang lindol sa Surigao del Sur ay noong Hunyo 26 at Hunyo 27.

Source: Manila Bulletin

2. Pagkamatay ng isang komedyante dahil sa karamdaman nito. Ayon sa Facebook post ni Rudy Baldwin noong May 25, 2021. May biglaang mamamatay na komedyante dahil sa karamdaman nito.

Kung isang komedyanteng mamamatay ang tinutukoy ni Baldwin, si Shalala kaya ito? Namatay si Shalala noong Hunyo 23, 2021 dahil sa pulmonary tuberculosis.

Naibalita ang kanyang pagpanaw noong Hunyo 24

3. Isang lider sa Asia ang mamamatay. Ayon sa post ni Baldwin noong Setyembre 12, 2020, mamamatay ang isang lider sa Asia dahil sa sakit at biglaan ang pangyayaring ito.

Matatandaan na namatay ang dating Pangulong Noynoy Aquino nitong Hunyo 24, 2021. Nabigla halos lahat ng tao sa Pilipinas dahil sa kanyang pagpanaw.

Mangyayari man o hindi ang mga prediksyon ni Rudy Baldwin, palagi niyang pinapaalala na palaging manalangin sa Diyos.