Pansamantalang tumahimik ang show ng “It’s Showtime” last Saturday nang magsalita ang Queen of Soul na si Jaya. Naging emosyonal ang singer nang mag-goodbye sa naturang show. Babalik na si Jaya sa Washington, USA upang sundan na noo’y nauna na ang kanyang loving husband sa America na si Gary Gotidoc. Pero paniguro ni Jaya once na maging ok na ang ABS-CBN pagbalik niya sana tanggapin pa rin daw siya ng istasyon. Ofcourse naman si Jaya pa. Todo ang pasasalamat ng singer sa Panginoon, sa ABS-CBN, sa “It’s Showtime” at sa Tawag ng Tanghalan bilang naging regular na hurado.

Matatandaang last 2016 nang mag-unexpected network transfer si Jaya from GMA-7 to ABS-CBN. Aniya nga sa isang panayam noon, “Like any child, sometimes you wanna grow up and break something free.”

Mami-miss ng mga bumubuo ng “It’s Showtime” ang pansamantalang pamamaalam ni Jaya. Pero sabi nga ni Vice Ganda, “Ayoko ko siyang mamiss gusto ko siyang maramdaman everyday. She’s such a good friend at ang sarap sarap na nandito ka. Kaya magkikita tayong muli. We love you.”

Ipinost naman kaagad ni Jaya sa kanyang Instagram ang group picture nila ng “It’s Showtime.” Sey niya sa caption, “I had 5 amazing years with ABSCBN & Tawag Ng Tanghalan Sa Showtime! Nalulungkot ako na di ko na makikita ng pansamantala ang mga kasamahan ko dito mula sa hosts, Hurados at contenders. Pati na rin mga staff and crew, na nakakabiruan o kausap ko nang madalas. At sa mga Madlang Pipol na lubos ang pagtanggap sa akin, mami-miss ko rin kayong lahat.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I know that this is just temporary for all of us. Pag ok na ang lahat, magkikita rin tayong muli. I leave with a grateful and thankful heart. Thank you for your love, generosity and most especially, your friendship ❤️ Thank you Lord for this humbling experience. Now off to a new journey. Lead me Lord.”

Nakuhanan naman ng Balita ng mensahe ang loving husband ni Jaya na si Gary Gotidoc via Instagram message ukol sa pagbabalik Amerika ni Jaya na ramdam ang full support sa singer. Saad niya, “Oh… Thankful for all the love and support from ABS-CBN. A new season ahead of us in the United States. God has been faithful and good to my wife and family. We will always love the Philippines but we will ba calling America our home now.” Yun na! Good luck Jaya!