Sa halip na online voting portal, ang opposition coalition 1Sambayan ay kukuha ng serbisyo ng isang pollster na magsasagawa ng preferential survey sa mga nominado sa pagkapresidente at pagkabise presidente sa botohan sa darating na Mayo 2022.

1Sambayan (Photo courtesy of Neri Colmenares)

Sa isang pahayag ng pro-democracy group, hindi na isasagawa ang online portal para sa pagboto ng publiko matapos ang hacking incident noong nakaraang buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dapat ay magbubukas ng isang online voting portal ang 1Sambayan ngayong Hulyo, ngunit ang mobile campaign application na 1Sama Ako ay na hack noong Hunyo 12, parehas na araw na kung saan inilabas nila ang listahan ng mga pangalan ng mga nominado sa pagka presidente at bise presidente.

Ang data breach na ito ay nagbigay daan sa grupo para unahin ang proteksyon ng publiko sa proseso ng pagboto.

“Personal information like email address and/or mobile phone number – were required to prevent multiple voting. But some forces that do not share 1Sambayan’s vision for good governance, will attempt to thwart every move,” ayon sa 1Sambayan.

“As such, 1Sambayan has instead decided to engage the services of a professional pollster to conduct a preferential survey on our presidential and vice-presidential nominees,” dagdag nito.

Nireport na ng coalition ang data breach sa National Privacy Commission (NPC) at nagkaroon ng isyu sa app para sa mga supporters at volunteers nito. HIningi din nito ang serbisyo ng independent audit team para i-reassess ang online security.

Raymund Antonio