Nagbabadyang magpatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa darating na Martes.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.00 hanggang P1.10 ang presyo ng kada litro ng gasolina at inaasahang 5 sentimos na dagdag-presyo sa diesel at kerosene.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikaanim na sunud-sunod na linggong bugso ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ang napipintong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bella Gamotea