Huling sakay na sana ni Pinoy Captain Jonathan Funa bago siya magretiro ngunit nag-iwan pa ito ng isang alaala mula sa hindi inaasahang pangyayari.

Inalala ng kapitan ng barkong “Cape Taweelah” na si Captain Jonathan Funa ang naging rescue operation nila sa isang bangka na may sakay ng 35 na katao na malapit sa Suez Canal.

Landing of the 32 survivors of the patera rescued by the cargo ship 'Cape Taweelah'.MIGUEL VELASCO ALMENDRAL. (from Spanish paper EL PAIS)

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Sa kanyang kaarawan nitong Martes, plano niyang magpatuloy sa kanyang huling destinasyon sa Dunkerque, Northern France. Special trip ito ng kapitan, na ipinanganak sa Cagayan de Oro, dahil ito ang kanyang huling sakay bago magretiro matapos ang 29 na taon na serbisyo.

"During the day, my crew had organized several surprises for me to make me cry on my birthday," aniya sa El País via email. "But they didn't get it." Inalala ni Funa at ng kanyang 20 crew members ang nangyari sa rescue operation nila noong Hunyo 12 kung saan namatay ang limang taong gulang na babae habang papunta sa evacuation dahil sa kritikal na condition.

Captain Jonathan Funa, in a photo dated 2009 while showing the hole opened by a grenade thrown by pirates who tried to hijack his ship 780 nautical miles from Mogadishu.STRINGER / AP (from Spanish paper EL PAIS)

Noong Hunyo 12, sakay ng isang bangka ang 35 na tao na umalis sa bayan ng Dajla, na dating Villa Cisneros sa Western Sahara; 16 ang babae, 13 ang lalaki, at 6 na bata.

Ang paglalakbay sa pagitan ng Dajla patungong Canary Island ay karaniwang inaabot ng 5 hanggang 6 na araw na navigation. Ngunit nawala sa dinaraanan ang patera kaya 17 na araw din silang nawala.

Hunyo 29, nakita ito ng crew ng freighter na Cape Taweelah may 292 na metro ang layo.

“It was a rough day” pag-alala ni Funa. Aniya pagkatapos makita ng crew ang bangka ay agad naman niyang tinawagan ang Maritime Traffic Control Center (MRCC) ng Las Palmas, na pinasalamatan din niya dahil sa mabilis na pagresponde nito.

Ang tanging nasa isip lamang ni Funa, “get everyone on board alive.”

Sinimulan niya ang pagmamaneho, ngunit nagkaroon ng kumplikasyon dahil sa masamang lagay ng panahon.

"The first person we hoisted informed me that there was a dead woman on board the migrant boat, and I was able to confirm this during the final phase of the operation." nang matapos nila ang first phase na kung saan naitaas nila ang dalawang castaways.

Nagdesisyon si Funa na itigil ang operasyon hindi dahil sa masama ang panahon, kung hindi dahil may 2 desperadong tumalon papunta sa kanilang barko.

"When approaching the boat, two people desperately jumped out of the boat and swam towards our boat, which made my maneuvering and the use of the engine very difficult, since they could be caught by the propeller," ayon kay Funa, agad naman nitong sinabihan ang MRCC ng Las Palmas dahil sa gambala.

Ipinadala ng MRCC ang isa pang barkong Guardamar Talia ngunit ito ay 12 oras pa bago makarating kaya naman nagdesisyon na si Funa na sila na lamang ang susubok na lapitan ang bangka.

Ibinigay ni Funa ang mikropono sa isang naligtas at ipinasabi sa mga taong nasa bangka na kumalma lamang at manatili.

"Tell them that if someone jumps, I will abort the operation," aniya

Matagumpay nilang nahila ang bangka kaya naman ligtas ang mga tao kabilang ang limang taong gulang na bata na nasa kritikal na kundisyon. Ngunit ang naiwan lamang ay ang bangkay ng isang babae na inanod sa tubig ng Atlantic.

"We successfully launched our lines onto the boat and once secured we slowly pulled the boat over and brought it to the side," kuwento ni Funa.

“The rescue operation was very difficult due to the state of the sea and all the migrants were very weak. Most couldn't even climb the ladder. For this reason, we had to raise them using the davit (the device on boats used to lift or lower weights on board), to which we attached a barrel bag and a net,” dagdag pa niya.

Nang mailigtas nila ang mga tao, doon nakita ni Funa ang batang babae na kung saan nasa kritikal na kondisyon na ito.

“I saw members of my crew crying when they saw how bad the little girl was. So I did start crying myself. When they took her away by helicopter, I was sure that she would survive after enduring 17 days at sea,” aniya.

Kinabukasan, itinanong ni Funa ang kalagayan ng bata, ngunit namatay ito kalaunan.

“The next day I asked the MRCC about its status. The news broke the hearts of me, my officers and the crew that cared for the little girl, ”he explains. And since then I have a thought. I wish I had reached the boat earlier and had time to save the girl and the woman,” kuwento ni Funa.

Inamin ni Funa na hindi niya malilimutan ang mukha ng bata sa kanyang huling misyon. Ngunit tinitiyak niya na sa kabila ng mga pangyayari, nais niyang mapanatili ang isang magandang alaala sa kanyang buhay.

"In the end, saving lives is the best feeling you can have," ayon kay Funa.

Isang pagpupugay sayo, Kapitan Jonathan Funa.

Story from Spanish paper EL PAIS