May libreng picture taking si Robin Padilla sa mga customers ng Cooking Ina Food Market na ang nagluluto ay ang misis niyang si Mariel Padilla.

Rider na rider ang dating ni Robin na naka-yellow uniform sa kanyang pagde-deliver ng food order sa Cooking Ina Market.

Bukod sa masarap na luto ni Mariel, maganda pa ang packaging ng food na dine-deliver ni Robin dahil hindi lang nakalagay sa styrofoam box, nakalagay pa sa eco bag na may larawan ni Mariel.

Sabi ni Robin, “Mam Cha maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa @cookinginafoodmarket. Very loyal customer ang family ni mam. Las Piῆas po ang area ng delivery ko kahapon. Pasensya na po sa mga nag-antay sa Paraῆaque at Manila. Maraming salamat po sa mga order niyo. Next time ako na po ang kakatok sa inyong mga pinto. Ito pong muli ang moto ng ina nyo ang delivery service ng cooking ina niyo @marieltpadilla.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang positive ng comments ng netizens nang malamang nagde-deliver si Robin ng food na niluluto ni Mariel. Super pogi raw ang delivery guy ni Mariel, kaya o-order na sila araw-araw. May nag-comment pa ngang cute ng tandem nina Mariel at Robin dahil si Mariel ang nagluluto at si Robin ang nagde-deliver.

Nitz  Miralles