Pinaboran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahilingan ng Philippine Basketball Association (PBA) na mabakunahan ang kanilang mga manlalaro, coach, at staff nito.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang mga basketball player ay itinuturing na economic frontliners at kabilang sa A4 category sa vaccination priority list ng bansa.
“The PBA is one of the industries in the country struggling to cope with COVID-19. About 1,200 workers in the industry have been affected by the pandemic,” sabi ni Abalos. Ang PBA aniya ang ikalawa sa oldest professional basketball league sa mundo matapos ang National Basketball Association, na bahagi na ng kinagisnang kultura ng Pilipino.
Sa ilalim ng A4 group sa COVID-19 vaccination program, obligado ang private sector worker na personal nilang gagampanan ang kanilang trabaho sa itinakdang pinagtatrabahuhang lugar sa labas ng kanilang tirahan kaya pasok sila sa pagbabakuna.
Bella Gamotea