Alam niyo ba na ang bumagsak na Lockheed C-130-H Hercules na eroplano ng Philippine Air Force (PAF) ay kabilang lamang sa dalawang sasakyang-panghimpapawid na binili ng Pilipinas sa United States sa tulong ng kanilang DefenseSecurity Cooperation Agency at dumating sa bansa noong Enero lamang?

Ang nasabing eroplanong may tail No. 5125 na isa sa dalawang binili ng Pilipinas sa Amerika ng halagang P2. 5 bilyon ay dumating sa Villamor Airbase sa Pasay City noong Enero 29. Sa tulong ng Defense Security Cooperation Agency ng Amerika, aabot lamang sa P1.6 bilyon ang ginastos ng Pilipinas sa pagbili sa dalawang eroplano at ang P900 milyon sa kabuuang halaga ay sagot ng United States.

Gayunman, pormal itong nai-turnover ng U.S. sa Pilipinas nitong Pebrero 18.

Nitong 1993, isa ring C-130 na eroplano ng PAF ang bumagsak na ikinamatay ng 30 katao.

Eleksyon

Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress

Isa ring civilian variant ng nasabing military plane na pinalilipaddin ng PAF angbumagsak na ikinasawi ng 11 katao noong 2008, ayon sa Aviation Safety Network.

Ang nasabing eroplano ay para sa heavy airlifting purposes lamang.

Unang pinalipad ang modelo ng nasabing eroplano na subok na maasahan ng mga sundalo sa buong mundo noong 1988, gayunman, nag-crash ito, ayon sa C-130.net website.

Hindi lamang ito ang kontrobersyal na insidente na kinasasangkutan ng mga sasakyang-panghimpapawid ng PAF dahil nag-crash din ang isang Black Hawk helilcopter nito habang nagsasagawa ng training mission nitong nakaraang buwan na ikinasawi ng anim katao.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pinakahuling insidente sa Sulu.