Binigo ni Maureen Wroblewitz ang udyok ng kanyang mga supporters na sumali siya ngayong taon sa Miss Universe Philippines beauty pageant. Katwiran ni Maureen, ayaw niyang sumabak na hindi handa at nais niyang magpahinga muna ngayong taon sa pagrampa.

Sa ngayon focus muna ang 23-anyos na modelo sa pagpasok niya sa showbiz, na kamakailan lamang ay ipinakilala bilang isa sa bagong 40 artists ng Star Magic Black Pen.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May pinaghahandaan ding pelikula ang newbie actress sa ilalim ng Reality Entertainment.

Sa Star Magic mediacon, ibinahagi ni Maureen na hindi naman niya tuluyang isinasara ang pinto sa pagsali sa beauty pageant, pero hindi, aniya, siya handa ngayong taon. Aniya, “Well I’ve always considered joining a pageant. As in my other old interviews I’ve said that I’ve always considered it and I’m not closing my doors. I did say that when I feel ready I would consider it, I think being in a pageant gives women a great platform to speak up to talk about what they believe in and their values so I would say why not? I’m just not so sure it because I heard this is the year you have the least preparation time and I really want to be ready if I do join.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, hindi na isinikreto ni Maureen ang relasyon nito sa singer na si Juan Karlos Labajona. Nagsimula pa noong 2017 ang relasyon ng dalawa na hanggang ngayo'y going strong pa rin.

“It is really communication. He knows everything about me and I feel really comfortable in telling him everything. Communication and trust is really important,” pagbabahagi ni ni Maureen sa relasyon nila ni JK.

Ngayong pareho na silang nasa showbiz ni JK, naitanong sa dalaga kung ikokonsider ba niya o papayag siyang pagsamahain sila ng BF sa isang project in the future?

“Yes, if he decides to do acting again. Of course. I’d love to,” agad niyang sagot.

In fairness, napatunayan naman ni JK ang husay sa pag-arte sa mga nakaraan niyang serye sa ABS-CBN gaya ng "A Love To Last," at "Pangako Sa 'Yo."

Ador V. Saluta