GEN. TINIO, Nueva Ecija - Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pagkakapaslang sa isang barangay chairman nang matagpuang wala ng buhay at may mga tama ng bala sa Barangay Palale ng nasabing bayan, kamakailan.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Amante Powec, 57, may-asawa, at taga-Brgy. Palale, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga residente sa tabi ng kanyang tricycle sa isang bakanteng lote sa naturang lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang nasa likod ng krimen.

Light Nolasco