Bumagsak ang isang C130H Hercules na eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na may sakay na 85 na sundalo sa bahagi ng Patikul, Sulu, nitong Linggo, dakong 11:30 ng umaga.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana at sinabing ang nabanggit na military plane na may tail No. 5125 ay nagmula sa Cagayan de Oro at nagkamali sa pag-landing sa Barangay Bangkal, nang mangyari ang insidente.Sa kuha naman ng isang non-profit organization na MaxDefense Philippines, kitang-kita na nasusunog ang naturang eroplano ilang minuto matapos bumagsak sa lugar.
Aabot pa lamang sa 40 na sundalo ang nailigtas sa insidente.
Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations sa nasabing lugar.